Paano mag-apply?
Bago ka mag-apply, dapat mo muna:
- Tipunin ang mga kinakailangang mga dokumento ukol sa iyong pagkakakilanlan at tirahan. Maaari mong masuri ang listahan ng mga aprubadong dokumento sa www.seattlecovidfund.org/#req-docs.
- Kalkulahin ang iyong buwanang pangkaraniwang kita.
- Pindutin ang “Apply” (“Mag-apply”) sa pahina ng aplikasyon tapos ay puntahan ang “Register” (“Magparehistro”) at gumawa ng account sa Survey Monkey Apply Account. Ilang minuto matapos mo makagawa ng account ay makakatanggap ka ng isang email upang maberipika ang iyong account. Siguruhin mo ang pagberipika ng iyong account.
- Kumpletuhin ang lahat ng mga katanungan sa aplikasyon. Maaaring magtagal ito. Maaari mo i-save ang iyong aplikasyon at balikan ito anumang oras.
- Kung matapos mo na ang iyong aplikasyon, hanapin ang malaking berdeng pindutan na “SUBMIT” (“ISUMITE”) upang maipadala ang iyong aplikasyon.
Matapos mo mag-apply, siguruhing tingnan ang inbox ng iyong email o ang junk email folder para sa iyong kumpirmasyon. Makakakuha ka rin ng kumpirmasyon sa text sa araw na ipinadala mo ang iyong aplikasyon. Maaari ka ng bumalik at tignan ang katayuan ng iyong aplikasyon at kung ito ay kasalukuyang sinusuri at kung ikaw ay maaprubahan sa pondo. Isang beses lamang ipadala ang iyong aplikasyon.
Kung kailangan mo ng tulong sa paggawa ng iyong aplikasyon, mangyaring bisitahin ang https://seattlecovidfund.org/#app-assistance upang makakonekta sa isa sa aming mga kasama sa komunidad.
TSART NG KARAPAT-DAPAT NA KITA
Enero 1, 2020 hanggang Setyembre 30, 2020